Close
 


NAKU, BARKONG PANDIGMA NG AMERIKA AT CHINA NAGKAHARAP SA SOUTH CHINA SEA | PCG NAGPADALA NG BARKO S.
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode

JOHN REPS
  Mute  
Run time: 08:02
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Inihayag ng US 7th Fleet na isang guided missile destroyer nito ang naglayag sa Paracel Island chain sa South China Sea noong biyernes bilang bahagi ng Freedom of Navigation Operation.
00:17.9
Sinubukan ng USS Halsey ang mga paghihigpit ng China sa paglalayag lampas sa mga isla na kontrolado ng China na sumasalungat sa United Convention on the Law of the Sea.
00:29.3
Sinabi ng US 7th Fleet na ang Freedom of Navigation ay nagtataguyod ng mga karapatan, kalayaan at legal na paggamit ng dagat na kinikilala sa international na batas.
00:40.9
Sa pamamagitan niyan ay hinamon ang mga paghihigpit ng inusinting pagdaan na ipinapataw ng People's Republic of China at gayon din sa paghamon sa People's Republic of China claim sa mga tuwid na baseline na nakapaloob sa Paracel Island.
00:55.8
Ang Innocent Passage ay ang karapatan ng isang barkong paglalayag.
00:59.3
Pangdigma ng Amerika o sino mang bansa na magbiyahi sa loob ng 12 nautical miles ng baybayin ng ibang bansa nang walang paunang abiso hanggat hindi ito makakasama sa kapayapaan, kaayusan at siguridad ng coastal state ayon sa Artikulo 19 ng UNCLOS.
01:16.3
Nangangahulugan iyon na ang isang barkong pangdigma ay hindi pwedeng makakapaglunsad ng mga sasakyang panghimpapawid, magpaputok ng mga armas, gumamit ng isang partikulan na radar o gumawa ng anumang ibang aksyon.
01:29.3
na makakagambala sa direktang pagdaan ng barko.
01:33.2
Sinabi ng US 7th Fleet na ang unilateral na pagpataw ng anumang otorizasyon o kinakailangan sa paunang abiso para sa inusinting pagdaan ay hindi nakasaad sa batas.
Show More Subtitles »


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.