Close
 


ISANG BAYAN LUMITAW SA GITNA NG DAM MATAPOS BUMABA ANG LEVEL NG TUBIG DAHIL SA MATINDING INIT
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#pantabangan #lumangbayan #philippinehistory
JOHN REPS
  Mute  
Run time: 08:06
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.3
Dahil sa matinding init na nararanasan ngayon sa bansa, patok ang mga malalamig na pagkain, bintahan ng yelo at marami rin ang mga nagsiswimming.
00:10.3
Pero kung may mga negosyong patok ngayong tag-init, matindi naman ang dagok ng El NiƱo sa agrikultura na umabot na sa 2.63 million ang pinsala sa buong sektor.
00:21.1
Lumalaki din ang mga bills sa kuryente dahil sa tila walang pahingang mga electric fan at aircon.
00:26.7
At bukod pa dyan ay bumaba din ang mga tubig sa dam at isa na nga dito ang pantabangan dam sa Nueva Ecija na sa malawak na tubig nito ay lumitaw na ang matagal ng nakalubog na lumang bayan.
00:50.8
Noong nakaraang linggo lang nang bumaba ng husto ang tubig sa nasabing dam ay muling lumitaw.
00:56.7
Ang mga dating nakatayo ditong estruktura mula sa kanilang lumang simbahan, town marker, isang bahagi ng intablado at isang sementeryo.
01:26.7
Sabi ko, wow, hindi ko alam na mayroong ganito dito.
01:30.0
Sa umangat na bahagi ng lumang bayan, makikita ang cross ng dating luma nilang simbahan, ang St. Andrew Paris na itinayo noon pang 1825.
01:40.8
At dalawang kilometro naman mula sa lumang simbahan ay makikita naman ang isang sementeryo.
Show More Subtitles »