Close
 


DENR: 40M Pilipino, walang access sa malinis at maiinom na tubig | Frontline Pilipinas
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlinePilipinas | Iniulat ng Department of Environment and Natural Resources #DENR na nasa 40 milyong Pilipino ang walang access sa malinis at maiinom na tubig sa gitna ng matinding init. Muli namang nabuhay sa Senado ang pagsusulong na bumuo ng ahensyang tututok mismo sa isyu sa tubig. #News5 | via Maricel Halili Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 03:54
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sa gitna ng matinding init, nasa 40 milyong Pilipino ang walang akses sa malinis at maiinom na tubig ayon mismo sa Department of Environment and Natural Resources.
00:12.2
Kaya naman sa Senado, muling nabuhay ang pagsusulong na bumuo ng ahensyang tututok mismo sa isyo sa tubig.
00:19.3
Nasa front line ng balitang yan, si Maricel Halili.
00:22.3
Mag-tipid ng tubig. Yan ang paulit-ulit na panawagan ng gobyerno sa publiko sa gitna ng epekto ng El Niño.
00:31.4
Yun nga lang, marami pa pala sa mga kababayan natin ang wala namang titipiring tubig.
00:37.8
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources, nasa 40 milyong Pilipino ang walang akses sa malinis at maiinom na water supply.
00:47.6
Ibig sabihin, wala silang sariling gripo sa bahay.
00:51.4
Kaya nag-iigib sila sa sapa o bukal.
00:54.6
Karamihan daw sa mga ito, nakatira sa Bangsamoro region.
Show More Subtitles »