Close
 


Defense Sec. Teodoro sa imbestigasyon kay Bamban Mayor Guo
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
"Ang usapan, may kinalaman siya sa ilegal na gawain sa kaniyang bakuran." Ito ang pahayag ni Defense Sec. Gibo Teodoro sa gumugulong na imbestigasyon kaugnay sa citizenship ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na idinadawit sa ilegal na aktibidad sa bayan. Aminado ang kalihim na blangko rin siya sa pagkakakilanlan ng pamilya Guo. Matatandaang nagsilbi noon si Teodoro bilang kongresista para sa unang distrito ng Tarlac. "May accountability dapat ang local government hanggang sa taas dito dahil imposibleng si Mayor Guo lamang ang may kinalaman dito," ayon kay Teodoro. #News5 Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 07:03
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Nasabi na ng Presidente, kailangan na imbistigahan si Mayor Alice Guo kung ano ang tunay na kanyang pagkatao.
00:08.8
At pinag-iigting ng paok na imbistigahan ang maraming klase na peking Pilipino.
00:16.3
Nakalulungkot at ito'y nangyari sa aking mismong lalawigan.
00:20.0
At maraming katanungan ang dapat pang alamin, paano nagkaroon ng ganong kalaking, hindi ito pogo,
00:32.5
kung hindi illegal criminal syndicate activities na nangyayari na lumusot sa probinsyal na pamahalaan at ang PNP noong panahon na iyon.
00:48.7
For me.
00:50.0
It is a question of governance na kailangan magkaroon ng tugon ang mga kinauukulan.
01:00.1
Ito ay matinding iniimbistigahan ng paok at ng Solicitor General ngayon.
01:09.4
Tulad din ng pag-iimbistiga ng lahat ng gobyerno sa illegal activities.
Show More Subtitles »