Close
 


CHINA NAUTAKAN NG PILIPINAS, CHINESE COASTGUARD WALANG KAMALAY MALAY | TAIWAN AT PILIPINAS MAGKAKASA
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode

JOHN REPS
  Mute  
Run time: 09:23
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Nagsusumikap ngayon ang Taiwan at Pilipinas na magtatag ng isang mekanismo para sa kaoperasyon ng mga Coast Guard.
00:10.4
Sinusubukan ang Coast Guard Administration o CEG ng Taiwan na isapinal na ang isang MOU para palakasin ang kaoperasyon sa maritime security, ngunit wala pa rin nilalagdaan sa ngayon.
00:23.0
Kinumpirma ng CGE Taiwan na ang Philippine Coast Guard ay nagpadala ng mga opisyal sa Central Police University sa Taiwan sa loob ng ilang magkasunod na taon na tumutulong sa pagpapahusay ng ugnayan ayon sa ulat ng Liberty News.
00:38.2
At nang tanungin ang CEG kung kasama nga ba sa pagsasanay kung paano harangin ang mga pumapasok na Chinese Maritime Militia Vessels at Chinese Coast Guard Vessels ay tumanggi ang CEG na magkomento.
00:50.7
Gayunpaman, sinabi ng CEG na
00:53.0
inibitahan nila ang Philippine Coast Guard Fleet Commander na obserbahan ang isang coastal drill nila sa Kaohsiung.
01:00.1
Ang mga komprontasyon sa pagitan ng mga Coast Guard ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea ay lumakas noong nakaraang taon dahil ayaw bitawan ng China ang pang-aangkin sa teritoryo sa mga isla sa West Philippine Sea.
01:13.4
Noong Abril, binangga ng barko ng China Coast Guard at Chinese Maritime Militia Vessels ang isang patrol vessel ng Pilipinas at ginamitan ng water cannon,
01:23.0
sa Scarborough Shoal. Maraming beses ding namataan ang mga barko ng China Coast Guard malapit sa Kenmen Island nitong mga nakaraang buwan.
Show More Subtitles »